Sunday, April 4, 2010

Heart Insurance

insurance [in-SHOOR-uhns] - noun. coverage by contract in which one party agrees to indemnify (to compensate for damage or loss sustained, expense incurred, etc.) or reimburse another for loss that occurs under the terms of the contract

Okay ang insurance para sa bahay, kotse, at kung anu-ano pang pag-aari. Pero walang insurance para sa puso. Bad trip.

DISCLAIMER: Hindi tungkol sa love life ang blog na ito.

Sa nakalipas na linggo dalawa sa mga kaibigan ko (at naki-uso naman ang puso ko kahapon) ang kinailangang sagutin ang tanong na "magbubukas ba ako ng puso kahit na walang garantiyang hindi ito masasaktan?"

Excerpt from Captivating by John and Stasi Eldregde:

For a woman to unveil her beauty means she is offering her heart. Offering her presence. The scariest thing for women is to offer our beauty into situations where we don't know if it will make any difference. Or worse, that it will be rejected. A woman doesn't want to offer her beauty unless she is guaranteed that it will be well received. But life offers no such guarantees. We, too, must take risks. Of course it's scary. It's vulnerable. It's naked. God calls us to stop hiding, to stop dominating, to trust him, and to offer our true selves. He wants us to bring to bear the weight of our lives and all that he has given to us, worked into us, and offer it to our world. To entice, allure, and invite others to Jesus by reflecting his glory in our lives. He will give no guarantee that others will enjoy us and respond well.


Masarap isipin na kontrolado natin ang mga bagay-bagay sa mundo. Pero may mga bagay na, gustuhin man natin, ay hindi talaga natin kayang kontrolahin. Nakakapikon, oo. Nakakatakot, mas lalo.

Ang pagbubukas ng puso ay hindi madaling gawin. Pero, dahil tayo ay mga tao at hindi natin maaaring ihiwalay ang ating mga sarili sa ating lipunan... tayo ay nagpapakamasokista at patuloy pa ring sumusubok na magbukas ng ating mga puso para makapasok ang iba.

May mga taong madaling mahalin kaya naman hindi gaanong mahirap ang magbukas ng puso para sila'y makapasok. Nangyayaring pareho talaga kayo ng mga tunguhin, mga pangarap, ugali, at kung anu-ano pa. Masaya at simple ang buhay kapag ganito ang sitwasyon. Kaso, hindi palaging ganito. Kung titingin tayo sa mas malaking mundo sa labas ng napakaligtas na mundong nilikha natin para sa ating mga sarili (kasama ang ating pamilya't barkada) ay mapapagtanto nating mahirap ang magmahal at magbukas ng puso para makapasok ang iba.

Mahirap. Kaya't madalas pinipili nating manatili sa hawla (o kahon) kung saan walang makakapanakit sa atin. Pero hindi tayo nilikhang may puso para manatili sa loob ng mga hawla.

Mahirap. Dahil walang insurance para sa puso. Pero ipagpapalit mo ba ang pagkakataong makabuo ng malalim na ugnyan sa puso ng ibang tao dahil lamang sa takot na ito?

Nakakatakot kasi pag nagbukas ka ng puso maaari na itong masaktan. Ang problema, walang insurance. At dahil walang insurance kapag nasakatan ka ay iiyak ka na lang at gigising kinabukasan na namamaga ang mga mata. Wala kang makukuhang insurance claim. Wala kang makukuhang kapalit sa mga luha. At lalong higit na hindi mo maaaring sisihin ang nagdulot ng sakit. Dahil ikaw naman ang nagpasyang magbukas ng puso mo. Pinilit ka ba? Hindi naman, diba?

Minsan talaga kailangan lang nating sumugal. Dahil mas masarap magmahal.