Para lang sa kaalaman mo, binabasa ko ang bawat salita at pahina ng mga papel na ipinapasa mo sa akin. Nakakapagod at minsan masakit sa ulo (because its very good to English yourself) pero binabasa ko pa rin ang mga ito. Hindi dahil sa martir ako (haller!), kung 'di dahil sa prinsipyo. Kung ako ang estudyante gugustuhin ko rin na basahin ng guro ko ang mga papel na ipinapasa ko. Siympre naman! Pinaghirapan ko ang mga 'yon tapos hindi niya babasahin. Kaazar naman 'yon, davah?
Kaso may malaki tayong problema. Nabasa ko na sa Inquirer Sunday Magazine yung article na sinulat mo tungkol sa isang taong may clothing business. Nabasa ko na rin bilang forwarded e-mail yung short story na sinulat mo tungkol sa babaeng pipi. Nabasa ko na rin sa internet yung sinulat mo tungkol sa pambansang bayani nating si Manny Paquiao, este, Jose Rizal pala. Pati ba naman yung kunwa-kunwariang letter of application na exercise natin ay cut-and-paste galing sa Google? Iilang sentences na nga lang yon; at tungkol pa sa sarili mo ang isusulat mo, tapos sa internet mo pa rin kinuha? Pati nga format hindi mo na binago.
Hay. Okay lang sana kung nag-paraphrase ka o 'di kaya'y gumamit ng quotation marks. Kaso hindi. Inangkin mo ang gawa ng iba at ipinalabas mong gawa mo ito. Ang tawag dito ay plagiarism. At ang pag-pi-plagiarize ay may karampatang parusa. Sa simula pa lang ng semstre sinabi ko na (at nakasulat pa ito sa syllabus natin): CHEATING IN ANY FORM WILL NOT BE TOLERATED.
Kailan nga ba masasabing "cheating" o "intellectual dishonesty" ang ginawa ng isang estudyante?
"In research, the most prevalent act of dishonesty is plagiarism, i.e., copying a work verbatim or misrepresenting it as one’s own. If a student downloads essays from various websites, cuts a paragraph or two from each of them, and comes up with a paper from the patchwork, that is cheating. If the student merely cites his or her sources yet maintains the patchwork without actually writing the paper himself or herself, that is still cheating.
Another form of cheating is the deliberate fabrication of data or information to suit one’s conclusions in a formal academic exercise. No doubt, the advent of multimedia and information technology has simply made this old practice more widespread and blatant."
[Source: Panao, A.L. (Jan.-Feb. 2008). Who really loses when a student cheats? The UP Forum 9 (1). Retrieved March 19, 2003 from http://up.edu.ph/upforum.php?i=176&]
Ayan. Sana ay naliwanagan ka at nawa'y maintindihan mo kung bakit mababa ang marka mo.
Nagmamahal,
Iyong guro
*smiles*
ReplyDeletepra sa akin at sa lhat ^^ : ndi na tau mga bata pra mlman ang mali sa tama..
hehe wala lng pO :)
Swerte ang estudyante na yan at "mababang marka" lang ang ibinigay mo sa kanya. In most schools, plagiarism is punishable by expulsion.
ReplyDeletekorek!
ReplyDeletehaha, actually hindi lang isang estudyante yan. iba-ibang tao yan for each topic. first offense silang lahat kaya wala munang student disciplinary tribunal ekek. nawa'y hindi na ito maulit next sem.
ReplyDeletemahirap mag-5 (parusa ng cheating ayon sa student handbook). be good na. magbago na. haik.
ReplyDeleteare these for real?! sorry na lang, wide reader si teacher. i have a copy of the forum too. this week lng yan lumabas dba. nagmadali lng yan tiars. pero un nga, d cya excuse. its a reason, but not an excuse.
ReplyDeleteindeed. at kung rason man siya pangit siya na rason kasi nagbibigay ako ng syllabus at schedule so dapat na-pace nila ang mga sarili nila. its just annoying that i have to spend days and weeks reading mediocre and plagiarized papers. some of them are really good though. :) the "pearls" that make diving into the jellyfish-infested seas of Check Republic worthwhile. :)
ReplyDeletetama! wala namang hindi nadadaan sa masigasig na pag-aaral. lagi ko ngang sinasabi: you are students and your job is to study; if you can't do it well then don't enroll. stop wasting your parents' money.
ReplyDeletehaha. i like this line! good to know there's a silver lining ;-)
ReplyDeletemam pearl ba yung akin? hahahaha
ReplyDeletehaha! the atenean is fishing for a complement! haha. *wink wink*
ReplyDeletepearl nga..haha jooke!
ReplyDeletehahaha! showbiz reply: no comment
ReplyDeleteeH mam, malalaman ba namin ang grde namin sa w.O. o hindi n? tsk. i mean kung naging PEARL ba un or not.
ReplyDeletemalalaman, of course. nagbabalik ako ng papers for feedback :)
ReplyDeleteahhhh... thank you.... happy easter!
ReplyDeleteaaaay...! nakakatawa ka magrebuke teacher :-)
ReplyDelete